Tuesday, October 20, 2009

Eh eh eh eh eh eh eh eh 2NE1


Galing yan sa kantang Fire ng grupong 2ne1. Usong uso ang kantang yan ngayon dito sa Pinas. Sa ngayon lagi ko yan naririnig na pinapatugtog sa radyo, pinapalabas sa tv, sine-search ng mga nagfe-facebook sa youtube. Kinakanta at ginagaya ng mga batang babae, kung may nakita kang batang lalaki na nasayaw at nakanta ng "Nobody Nobody But You!"(Ituturo ang dalawang Kamay ng nakataas ang isang paa at saka papalakpak ng dalawang beses) kahit mga nanay eh sinasayaw rin ito. Uso rin yan ipang-talent portion sa mga Kiddie Competitions. Hit na hit sa Pinas ang 2ne1 at wonder girls. Sa tingin ko kaya nahilig ang mga pinoy sa grupong 2ne1 at Wonder Girls eh dahil sa pagpalabas ng mga Korean Series na pinapalabas ng ABS at GMA. Magkakupitensya ang dalawang istasyon na yun sa pagpapalabas ng Korean Series, paunahan, pagandahan. Binibili ng istasyon ng Pilipinas at papalitan ang Dub at saka ipapalabas. Kada-buwan may bagong pinalalabas sa Pilipinas na Telenobelang galing pa sa bansang Korea. Parang magsuking muslim at binatang mahilig bumili ng dvd.

Sa dialogue na ito ay kumakatawan ang Muslim bilang bansang Korea at Pilipinas bilang mahilig sa dvd.
Korea: Suki may bago kaming palabas, ito. Boys over flowers. Maganda yan.
Pilipinas: Ah, sawa na ko sa love story.
Korea: Oh sya ayaw mo love story ito nalang digmaan, Jumong bigay ko sau 50.
Pilipinas: Napanood ko na sa youtube yan eh. Pero bibilhin ko yan basta bigay nyo sakin 40 Korea: Ay hindi pwede. Eto nalang Money War bagay sa inyo krisis wala kayong pera.

Kahit ako na-addict din sa panonood ng ilan sa mga Korean na palabas tulad ng Full House. Ang ganda kasi ni Song hye Kyo. Isa rin siguro sa dahilan yun kung bakit nauso ang korean dito sa Pilipinas dahil sa nakikita nilang magaganda sa TV. Madalas ako makakita ng mga kababaihang pilit pinapasingkit ang mga mata sa paggamit ng Lapis. Marami na rin akong nakikitang gumagaya sa porma ng mga Koreana na babae. Sa kalalakihan naman ginagaya ang buhok ng mga binatilyong Koreano. Nung Meteor Garden ang uso ay maraming long hair dahil kay Dao ming Se. Maikli at medyo tayo-tayong buhok ang uso ng sumikat si Kim bum ng Hannah Kimmi. Proud siguro ang mga kulot na kalalakihan ngayon dahil kelan lang eh nauso si Jun pyo. Kahit mga istasyon sa bansa natin eh gumagawa ng Pinoy Bersyon ng mga Korean series. Kahit mga artista natin, pormang Korean na rin.

Ito na yata ang modernong paraan sa ngayon ng pananakop ng ibang Bansa sa atin. Pag nakakakita ako ng mga korean sa mga mall hindi ko tuloy maiwasang mangamba na baka maging isa na rin ako sa mga Koreanholics sa Pilipinas. Baka dumating ang araw na maging Korea nang tuluyan ang Pilipinas. Wag naman sana... Meron na ngang North at South Korea Korea pa ang Philippines.

No comments:

Post a Comment