Thursday, October 22, 2009

Tae.

Kamay ba gamit po pang hugas ng puwet? Ows di nga? Alam ko oo ang sagot mo. Wag kang mag-alala may dispensa ako para dyan.
Sabi ng ibang lahi kadiri daw tayong mga pinoy dahil kamay daw ang gamit natin pang hugas ng pwet pagkatapos tumae. Kamay din daw ang gamit natin sa pagkain, natural. Kamay ang ipanghahawak natin sa kutsara tapos saka tayo kakain. Hindi na kadiri yun, basta wag mo lang isusubo ang kutsara.
May sabon namang safeguard na nakamamatay ng 99.9% na germs. So 1% nalang ang natirang germs sa kamay mo na pinanghugas sa tae mo. Pero alam ko naman na hindi ka naniniwala dun. Basta gumamit ka lang ng kutsara kahit pa kinamay mo ang pwet mo. Wag mong kakamayin ang kakainin mo. Hugasan mo ng mabuti ang kamay at gumamit ng alcohol kung meron. Diba? Ano pang kadiri dun? Kung tissue naman ang gagamitin mo hindi sure na malinis ang pwet mo. Baka mangamoy pa ang iyong pwet pagkatapos mong magtrabaho sa inidoro. Kamay gamit natin para bumango ang pwet natin diba?
Kung Pinoy ka pero gumagamit ka ng tissue pang hugas ng puwet pagkatapos tumae, saludo ako sayo. Gaya-gaya ka sa ibang lahi, walang originality. Para sayo ang larawan na nasa ibaba.

Actiully gusto ko lang talaga i-post ang picture na toh wala sa isip kong gumawa ng blog.

No comments:

Post a Comment